Skip to main content

Ang Immigrant Belonging Project

(The Immigrant Belonging Project)

Mga madalas na katanungan

Aling mga komunidad ang isasama sa proyektong ito?

Makikipag-ugnayan ang OIR at OBI sa mga imigrante na nagsasalita ng English, Spanish, Vietnamese, Mandarin, Cantonese, Tagalog, Hindi, Farsi, Arabic, Russian, Korean, at Amharic upang lumahok sa proyekto. Lalapit kami sa mga pinagkakatiwalaang organisasyon ng komunidad upang tumulong sa prosesong ito.

Paano maibabahagi ng mga komunidad ng imigrante ang kanilang mga opinyon?  

Mangongolekta kami ng impormasyon sa pamamagitan ng survey at pakikipag-usap sa komunidad. Mayroong pagkakataon ang survey na maabot ang magkakaibang grupo ng mga imigrante. Makakatulong ang pakikipag-usap sa komunidad na maintindihan ang mga karanasan ng pagpapabilang, paghahatid ng serbisyo, at iba pang mahahalagang priyoridad.

Sino ang maaabot ng survey? 

Layunin namin na makaabot ng hanggang 2,500 na imigrante na naninirahan sa Santa Clara County na mayroong mga magkakaibang etnisidad, wika, antas ng kita, at lungsod na tinitirhan. Makikipagtulungan kami sa mga lokal, pinagkakatiwalaang organisasyon upang maabot ang aming mga pinakamalaking pangkat etniko.

Isasaalang-alang ba ang mga personal na karanasan? 

Oo. Binabalak namin na magsagawa ng may gabay na pakikipanayam sa mga pinuno ng komunidad na nakikipag-ugnayan sa mga imigrante. Bilang karagdagan, magkakaroon kami ng 8 na pakikipag-usap sa komunidad na may 8 hanggang 10 na kalahok na mayroong iba’t ibang grupo ng komunidad ng imigrante.

Sino ang maaaring lumahok sa pakikipag-usap sa komunidad? 

Magsasagawa kami ng 8 na pakikipag-usap sa komunidad na may 8 hanggang 10 na indibidwal na hindi sinadyang piliin na imbitahan na mula sa sumusunod na mga komunidad ng imigrante: Mga Latino sa South County (isasalin ang pag-uusap sa Spanish), Mga Latino sa San Jose o Mountain View (isasalin ang pag-uusap sa Spanish), Vietnamese (isasalin ang pag-uusap  sa Vietnamese), Korean (isasalin ang pag-uusap sa Korean), mga East African, mga Muslim, mga US high school graduate na may edad na 18 hanggang 29, at mga naghahanap at gumagamit ng mga serbisyo ng County ng may kapansanan.

Paano ko masusuportahan ang proyektong ito? 

Makakatulong ang mga katuwang na nakabatay sa komunidad sa pamamagitan ng pagtukoy ng mga miyembro mula sa mga komunidad na nakalista sa itaas para sa mga pag-uusap sa komunidad. Makakatulong ang mga mula sa komunidad ng imigrante sa pamamagitan ng paglahok sa pag-uusap sa komunidad kung inimbitahan. Makikipag-ugnayan ang mga katuwang na nakabatay sa komunidad o mga ikatlong partido na ahensiya sa mga naimbitahan na kalahok sa pamamagitan ng telepono o email.

Babayaran ba ang mga kalahok para sa kanilang pakikibahagi? 

Makakatanggap ng stipend ang mga kalahok sa pag-uusap sa komunidad para sa kanilang oras.

Paano makikinabang ang mga komunidad ng imigrante at lokal na organisasyon sa pagsuporta sa proyektong ito? 

Maaaring gamitin ng mga lokal na organisasyon at tagapagpasiya ang mga natuklasan ng proyekto upang magbigay kaalaman sa patakaran, pagpopondo, at mga priyoridad ng serbisyo. Matitiyak ng mataas na antas ng paglahok sa survey na ang mga lokal na organisasyon, tagapagtaguyod, at mga pampublikong opisyal ay mayroong pinakamabuting impormasyon upang masuportahan ang pagpapabilang ng imigrante sa county.

Bakit nakikipagtulungan ang UC Berkeley sa Othering & Belonging Institute (OBI) para sa proyektong ito? 

Nakatuon ang OIR sa pagpapatuloy ng ganap na pagpapabilang ng mga komunidad ng imigrante sa county. Mayroong kadalubhasaan ang OBI upang tukuyin ang mga pagsubok at puwang sa mga karanasan ng pagpapabilang. Magagawa nilang magrekomenda kung paano mapapabuti ang patakaran, mga serbisyo, pagpapabilang, at pagkilala sa mga imigrante.

Mayroon bang nangyayari na iba pang katulad na mga proyekto? 

Oo, mayroong isinasagawa na Latino Health Assessment ang Public Health Department. Nagsasagawa rin ang Office of Disability Affairs ng survey ng mga pamilya na mayroong mga batang may kapansanan, na maaaring kabilang ang mga pamilyang Latino.