Kagamitang mapagkukunan sa pagpapalaganap ng Survey ng mga Pamilya sa Santa Clara County na mayroong mga Batang may Kapansanan
Mga Madalas na Katanungan
Ano ang layunin ng survey?
Ang layunin ay upang makakuha ng impormasyon tungkol sa mga pangangailangan ng mga bata na may kapansanan at ang kanilang mga magulang o guardian. Gusto namin malaman kung anong serbisyong pansuporta ang natatanggap ng mga bata at kung gaano kahusay na natutugunan ang kanilang pangangailangan ng mga serbisyong ito. Gusto rin namin na mas malaman ang mga pangkalahatang pangangailangan ng sambahayan.
Sino ang nagsasagawa ng survey?
Isinasagawa ang survey ng Division of Equity and Social (DESJ) ng County ng Santa Clara sa pamamagitan ng Office of Disability Affairs. Nabuo ang survey na katuwang ang Parents Helping Parents (PHP), isang organisasyon na nagbibigay ng mga suporta sa mga pamilya na mayroong batang may kapansanan. Makikipagtulungan ang ODA at PHP sa mga lokal na organisasyong tumataguyod sa may kapansanan upang mangalap ng mga kalahok at magsagawa ng survey. Matapos makompleto ang pag-survey, susuriin ng DESJ ang datos at isasaad ang mga resulta ng survey sa isang ulat.
Sino ang maaaring lumahok sa survey?
Maaari kang lumahok kung may anak kang may kapansanan anuman ang edad, naninirahan ka sa Santa Clara County, at ikaw ay hindi bababa ng 18 taong gulang.
Hindi ko matiyak kung ang aking anak ay mayroong kapansanan. Paano ko malalaman kung ako ay kwalipikado?
Kahit walang pagsusuring medikal ang iyong anak o hindi nakakatanggap ng serbisyong pansuporta sa kapansanan, gusto ka pa rin namin mapakinggan.
Nahihirapan ba ang iyong anak na gawin ang mga sumusunod sa mga paraan na nalilimitahan ang ilang mga aktibidad o paano sila nakikipag-ugnayan sa iba?
- Pagkontrol ng kanilang mga emosyon o pag-uugali kung sila ay nababalisa?
- Pamumuhay nang nakapag-iisa (kung sila ay 23 taong gulang o mas matanda)?
- Pagdadamit, pagligo, o kumain at uminom?
- Paglalakad o pag-akyat ng mga hagdan?
- Pag-iisip, pag-alala, pag-aaral, o paggawa ng mga desisyon?
- Pananalita?
- Pakikinig?
- Paniningin?
Kung gayon, mangyaring sagutin ang aming survey!
Karagdagan sa aking anak, mayroon din akong kapansanan. Naghahanap ka ba ng higit pang kaalaman tungkol sa aking karanasan?
Oo! kung kinikilala mo ang iyong sarili bilang isang indibidwal na may kapansanan, may mga partikular na tanong din ang survey tungkol sa iyong karanasan.
Paano matitiyak ng ODA at DESJ na ang survey ay maaaring makuha?
Magbibigay ng ibang paraan ang ODA at DESJ para sa mga indibidwal na kwalipikadong sumali ngunit hindi makakasagot ng survey online. Kasama nito, ngunit hindi limitado dito, ang pagbibigay ng kopyang papel ng survey, pagbibigay ng kopya ng survey sa braille, pagsasagawa ng survey sa telepono, o pagtatanong ng survey bilang isang interbiyu. Kung alam mong mangangailangan ka ng ibang pamamaraan sa pagsagot, mangyaring makipag-ugnayan sa ODA sa [email protected] sa lalong madaling panahon.
Bakit ang mga pamilya na mayroong mga batang may kapansanan? Paano gagamitin ang mga matutuklasan ng survey?
Interesado ang County ng Santa Clara sa mga pamilya na mayroong mga batang may kapansanan bilang isang komunidad na malimit nakakaligtaan ngunit may mga natatangi at iba’t ibang pangangailangan. Pinaplano namin na ang mga matutuklasan sa survey ay magbibigay kaalaman sa trabaho ng ODA at sa panghuli matulungan kami na mabigyan ng mas mabuting suporta at pangangatawan ang lahat ng mga taong naninirahan sa Santa Clara County na may mga kapansanan
Paano ko masusuportahan ang proyektong ito?
Kung ikaw ay nasa hustong gulang na residente ng Santa Clara County at isang magulang o tagapag-alaga ng batang may kapansanan, mangyaring sagutin ang aming survey! Maaari mong ibahagi rin ang survey sa inyong mga kaibigan o pamilya na sa iyong palagay ay kwalipikadong sagutin ito. Kung kayo ay kumakatawan ng isang organisasyon na tumataguyod sa may kapansanan, makakatulong ka sa amin sa pagsusulong ng survey sa inyong mga kasapi.