Menstrual Equity - Tagalog
English | Español | 中文 | Tiếng Việt | Tagalog
Ang mga libreng menstrual products ay makukuha sa mga restroom facilities na pinamamahalaan ng County ng Santa Clara. Ang regla (menstruation) ay isang regular na pinagdadaanan ng katawan, at ang mga menstrual products ay kasinghalaga ng iba pang pangunahing kagamitan sa banyo tulad ng toilet paper o mga paper towel, at dapat na ma-access ng walang bayad. Ang period poverty, o ang kawalan ng access sa mga menstrual products, ay nauugnay sa hindi pagkakapantay-pantay ng kasarian, hindi pagkakapantay-pantay ng kita, hindi pagkakapantay-pantay ng edukasyon, at hindi pagkakapantay-pantay sa pangangalagang pangkalusugan. Ang County ay nakatuon sa pagwawakas sa period poverty at nagtatrabaho upang lumikha ng menstrual equity.
Ano ang menstrual equity?
Ang menstrual equity ay tumutukoy sa pantay at komprehensibong access sa menstrual hygiene na
produkto, at sa karapatan sa edukasyon tungkol sa reproductive health, na parehong nag-aalis sa
mga hadlang sa pangangalaga at binabawasan ang stigma sa paligid nito.
Gaano kalaganap ang period poverty?
- Araw, araw, milyung-milyong tao sa buong mundo ang nakakaranas ng regla, ngunit merong tinatantyang 500 milyong tao na salat sa mga mapagkukunan upang pangasiwaan ang regla.i
- Sa United States, nailathala ang mga pag-aaral na nagpapakitang 64% ng mga residente ay nag-uulat ng kahirapan na hindi kayang makabili ng menstrual products, at 21% ang nag-ulat na hindi nila kayang makabili ng mga ganitong produkto bawat buwan.ii
- Sa mga may kayang bumili ng mga menstrual products ay dapat gumastos ng isang bahagi ng kanilang sahod para sa karaniwang hygiene product, dagdag pa dito ang tax. Iba pang hygiene products (toilet paper, paper towels) ay available sa mga restroom ng walang bayad.
- Sa lokal na antas, libu-libo sa ating mga miyembro ng komunidad ang nangangailangan ng mas maayos na access para sa mga produktong ito.
- Ang mahinang hygiene ay nagdudulot ng negatibong resulta sa kalusugan, kabilang ang urinary tract infection.
Bakit ako mag-aalala?
- Makakaligtaan ng mga kabataan ang pag-aaral kung wala silang access sa mga menstrual products o pain medication.
- Ang mga taong walang tahanan ay kaunti o walang paraan upang ma-access ang mga menstrual products.
- Ang mga walang access o hindi kayang makabili ng menstrual products ay limitado sa kanilang mga pagkilos o ambisyon, dahil pakiramdam nila ay hindi sila makaalis sa kanilang tahanan, pumunta sa trabaho, o makisalamuha sa lipunan.
- Ang kawalan ng access sa mga menstrual products, pansamantalang pamamaraan o pangmatagalang paggamit ng limitadong mapagkukunan ay maaring humantong sa negatibong kalalabasan ng kalusugan.
Ano ang ginagawa ng County ng Santa Clara upang matugunan ang period poverty?
Noong Marso 2021, inaprubahan ng Lupon na mag-imbak sa LAHAT ng restroom ng pasilidad ng County ng libreng period products, gayundin sa iba pang hygiene products kagaya ng mga paper towel at toilet paper.
Nagtalaga din ang County ng $1.8 milyon upang pondohan ang mga period products para sa mga nangangailangan sa buong Santa Clara County. Ang mga miyembro ng komunidad na nangangailangan ay makakatanggap ng libreng menstrual products mula sa Santa Clara County Office of Education at First 5 hanggang Hunyo 2023, at maaaring magpatuloy na makuha ang mga ito mula sa mga paaralan at unibersidad at mga partner sa komunidad na pangkalusugan. Mula 2020, ang mga organisasyon na ito ay namahagi ng 6 na milyon ng pads at 2 milyong tampons sa komunidad.
Bakit magiging available ang mga menstrual products sa mga restroom ng lalaki?
Ang County ay mag-aalok ng mga menstrual product sa mga restroom ng lalaki, upang kilalanin na ang mga transmen, nonbinary, at mga taong hindi kinukumpirma ang kasarian ay maaaring kailanganin nila ito.
Ano ang aking aasahan na makita sa mga restroom ng mga pasilidad ng County?
Ang mga dispenser o basket na may libreng menstrual products ay available sa mga pasilidad ng County, kabilang ang mga restroom ng mga babae at restroom ng lahat ng kasarian. Sa hinaharap, ang mga menstrual products ay magiging available sa mga restroom ng mga lalaki.
i The World Bank. Ang menstrual hygiene management ay binibigyang-daan ang mga babae at batang babae na makamit ang kanilang buong potensiyal. 2018. https://www.worldbank.org/en/news/feature/2018/05/25/menstrual-hygiene-management. Na-access noong Marso 2, 2023.
ii Sebert Kuhlmann, Anne PhD, MPH; Peters Bergquist, Eleanor MA, MSPH; Danjoint, Djenie MPH; Wall, L. Lewis MD, DPhil. Kulang na Pangangailangan sa Menstrual Hygiene sa mga Mababang Kita na Babae. Obstetrics & Gynecology 133 (2):p 238-244, Pebrero 2019. I DOI: 10.1097/AOG.0000000000003060